
𝐌𝐀𝐇𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐑𝐀𝐍?
Tuesday February 25, 2025
Magbayad ng electric bill sa mga accredited ECPAY partners at TRUEMONEY outlets tulad ng mga online app na GCash, Paymaya, Shopee, Starpay, at Dragonpay. Pwede rin naman magbayad "over-the-counter" sa Seven Eleven, Cebuana Lhuillier, 7MM Pawnshop, at iba pang Truemoney outlets. Tatanggapin lamang ang bayad sa mga accredited ECPAY Partners at Truemoney outlets kung isang buwang konsumo lang ang bayarin, at kung babayaran ang electric bill bago o sa mismong araw ng due date. Maaari rin magbayad dito sa araw ng mga Sabado, Linggo, o holidays.
Read More ...
𝐏𝐫𝐨𝐬𝐞𝐬𝐨 𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐛𝐮𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐮𝐫𝐲𝐞𝐧𝐭𝐞
Wednesday February 05, 2025
1. Generation - sa prosesong ito nililikha ang kuryente at dito rin bumibili ng power supply ang mga kooperatiba o distribution utilities. Maaaring nagmumula sa renewable energy or non-renewable energy resources ang gamit sa paglikha ng kuryente. 2. Transmission - sa pamamagitan ng mga transmission lines na pinamamahalaan ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, ay nakakarating o nakakatawid ang mga binibiling kuryente sa power suppliers papunta sa electric cooperatives o private distribution utilities. 3. Distribution - sa prosesong ito ibinabahagi ng electric cooperatives o private distribution utilities ang supply ng kuryente para mapag-ilaw ang mga bayang nasasakupan ng serbisyo nito.
Read More ...
Receive your Electric Bill through SMS
Wednesday February 05, 2025
𝐑𝐞𝐜𝐞𝐢𝐯𝐞 𝐁𝐢𝐥𝐥 𝐭𝐡𝐫𝐮 𝐒𝐌𝐒 | forms.gle/L39nUUhZ8yB8Ku6z5 <--- Magregister sa GOOGLE LINK na ito para matanggap ang halaga ng iyong monthly electric bill sa pamamagitan ng text message. Ihanda ang mga sumusunod na impormasyon: - Contact Number - NEECO I Account Name (makikita sa SOA) - 10-digit Account Number (makikita sa SOA) - Email Address 𝑀𝑎𝑎𝑎𝑟𝑖 𝑑𝑖𝑛 𝑝𝑜 𝑡𝑎𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑝𝑎𝑟𝑒𝑔𝑖𝑠𝑡𝑒𝑟 𝑎𝑡 𝑖𝑝𝑎-𝑢𝑝𝑑𝑎𝑡𝑒 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑒𝑟𝑠𝑜𝑛𝑎𝑙 𝑖𝑛𝑓𝑜𝑟𝑚𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛 𝑠𝑎 𝑚𝑔𝑎 𝑁𝐸𝐸𝐶𝑂 𝐼 𝐷𝑖𝑠𝑡𝑟𝑖𝑐𝑡 𝑂𝑓𝑓𝑖𝑐𝑒𝑠.
Read More ...
𝐌𝐠𝐚 𝐔𝐫𝐢 𝐧𝐠 𝐏𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐫𝐮𝐩𝐭𝐢𝐨𝐧
Wednesday February 05, 2025
1. Scheduled Power Interruption - mga pagawain sa linya/poste ng kuryente na maaaring plinano ng NEECO I, NGCP, o ginawan ng request ng mga member-consumers. 2. Emergency Power Interruption - mga pagawain sa linya/poste ng kuryente dahil sa hindi inaasahang pagkasira ng mga kagamitan na maaaring dulot ng aksidente, kalikasan, at kalamidad. - ito ay maaaring mula sa distribution utility (NEECO I) o transmission side (NGCP) ang pinanggagalingan ng aberya.
Read More ...
𝐒𝐚𝐥𝐢𝐧-𝐃𝐮𝐠𝐨 𝐁𝐥𝐨𝐨𝐝 𝐋𝐞𝐭𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 - 𝐅𝐞𝐛𝐫𝐮𝐚𝐫𝐲 𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟓 | Karagdagang Benepisyo ng Blood Donation
Monday February 03, 2025
🔴 𝐍𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐈𝐦𝐦𝐮𝐧𝐞 𝐒𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦 - Ang regular na pagsasalin ng dugo ay nakakatulong para mapalitan ang mga lumang blood cells, na tumutulong sa mas maayos na sirkulasyon nito at nagpapalakas ng immune system. 🔴 𝐌𝐚𝐬 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐏𝐫𝐨𝐝𝐮𝐤𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐑𝐞𝐝 𝐁𝐥𝐨𝐨𝐝 𝐂𝐞𝐥𝐥𝐬 - Sa tuwing nagdodonate ng dugo, ang katawan ay agad na nagpoproduce ng bagong red blood cells na mabuti para sa oxygen circulation, at mahalaga sa kalusugan ng puso, utak at iba pang organs. 🔴 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐮𝐭𝐢 𝐧𝐠 𝐌𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐖𝐞𝐥𝐥-𝐁𝐞𝐢𝐧𝐠 - Dahil sa pagsasalin ng dugo, nagkakaroon ka ng “SENSE OF PURPOSE” dahil alam mong makakatulong ka sa iyong kapwa. 🔴 𝐌𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠𝐥𝐢𝐭𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐡𝐚𝐲 - Sa isang bag ng dugo, maaaring makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo tuwing may operasyon, panganganak, o emergency cases. Makilahok sa darating na Salin-dugo Bloodletting Activity ng NEECO I sa February 7, 2025, 7:00am - 4:00pm sa NEECO I Main Office. 𝘋𝘰𝘯𝘢𝘵𝘦 𝘉𝘭𝘰𝘰𝘥, 𝘚𝘢𝘷𝘦 𝘓𝘪𝘷𝘦𝘴!
Read More ...
𝐃𝐢𝐬𝐜𝐨𝐮𝐧𝐭 𝐬𝐚 𝐊𝐮𝐫𝐲𝐞𝐧𝐭𝐞 | 𝐋𝐢𝐟𝐞𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐑𝐚𝐭𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐚𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐑𝐞𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐀𝐜𝐭 𝐍𝐨 𝟏𝟏𝟓𝟓𝟐
Thursday January 30, 2025
𝐀𝐋𝐀𝐌𝐈𝐍: 𝑅𝐴 11552 - 𝐴𝑁 𝐴𝐶𝑇 𝐸𝑋𝑇𝐸𝑁𝐷𝐼𝑁𝐺 𝐴𝑁𝐷 𝐸𝑁𝐻𝐴𝑁𝐶𝐼𝑁𝐺 𝑇𝐻𝐸 𝐼𝑀𝑃𝐿𝐸𝑀𝐸𝑁𝑇𝐴𝑇𝐼𝑂𝑁 𝑂𝐹 𝑇𝐻𝐸 𝐿𝐼𝐹𝐸𝐿𝐼𝑁𝐸 𝑅𝐴𝑇𝐸, 𝐴𝑀𝐸𝑁𝐷𝐼𝑁𝐺 𝐹𝑂𝑅 𝑇𝐻𝐸 𝑃𝑈𝑅𝑃𝑂𝑆𝐸 𝑆𝐸𝐶𝑇𝐼𝑂𝑁 73 𝑂𝐹 𝑅𝐸𝑃𝑈𝐵𝐿𝐼𝐶 𝐴𝐶𝑇 𝑁𝑂. 9136, 𝑂𝑇𝐻𝐸𝑅𝑊𝐼𝑆𝐸 𝐾𝑁𝑂𝑊𝑁 𝐴𝑆 𝑇𝐻𝐸 “𝐸𝐿𝐸𝐶𝑇𝑅𝐼𝐶 𝑃𝑂𝑊𝐸𝑅 𝐼𝑁𝐷𝑈𝑆𝑇𝑅𝑌 𝑅𝐸𝐹𝑂𝑅𝑀 𝐴𝐶𝑇 𝑂𝐹 2001,” 𝐴𝑆 𝐴𝑀𝐸𝑁𝐷𝐸𝐷 𝐵𝑌 𝑅𝐸𝑃𝑈𝐵𝐿𝐼𝐶 𝐴𝐶𝑇 𝑁𝑂.10150 𝗔𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗳𝗲𝗹𝗶𝗻𝗲 𝗿𝗮𝘁𝗲 𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗲𝗻𝗲𝗽𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗻𝗶𝘁𝗼? Ayon sa RA 9136, Section 73, ang mekanismo ng lifeline rate ay naglalayon na magbigay ng agapay sa pamamagitan ng "SUBSIDIYA" o "DISKWENTO" para sa mga member-consumer-owners na mas nangangailangan sa buhay o ang mga kasama sa “poverty line" 𝐃𝐢𝐬𝐜𝐨𝐮𝐧𝐭 𝐛𝐚𝐬𝐞 𝐬𝐚 𝐤𝐨𝐧𝐬𝐮𝐦𝐨 𝐧𝐠 𝐤𝐮𝐫𝐲𝐞𝐧𝐭𝐞: > 0 kWh - 15 kWh = 30% > 16 kWh - 20 kWh = 20% > 21 kWh - 25 kWh = 10% > 26 kWh - 30 kWh = 5% 𝐐𝐔𝐀𝐋𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐁𝐄𝐍𝐄𝐅𝐈𝐂𝐈𝐀𝐑𝐈𝐄𝐒 & 𝐑𝐄𝐐𝐔𝐈𝐑𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓𝐒 > Mga Miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). - NEECO I Application Form - Latest Electric Bill - Valid Government ID > Mga mamamayan na hindi sapatang kinikita nang naaayon sa Philippine Statistics Authority. - NEECO I Application Form - Latest Electric Bill - Valid Government ID - Certification mula sa lokal na Social Welfare Development Center 𝐌𝐠𝐚 𝐊𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐃𝐨𝐤𝐮𝐦𝐞𝐧𝐭𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐦𝐚𝐤𝐚-𝐚𝐩𝐩𝐥𝐲: - Application form mula sa NEECO1; Latest bill sa kuryente at Valid Government ID - Certification o katunayan mula sa lokal na Social Welfare Development Office; Application form mula sa NEECO1; Latest bill sa kuryente at Valid Government ID 𝐓𝐚𝐧𝐝𝐚𝐚𝐧: Ang marginalized end user ay valid hanggang tatlong taon, ito ay maaaring i-renew dalawang buwan bago ang expiration ng Certification of Lifeline Coverage. Samantala, ang 4Ps beneficiaries ay valid hanggang sa period na nakalagay sa Certified List na mangangaling sa DSWD. 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠-𝐀𝐩𝐩𝐥𝐲 Kumpletuhin lamang ang requirements at ipasa sa NEECO I Main Office sa Malapit, San Isidro. Magtungo sa MEMBER SERVICES DIVISION para sa pag proseso ng application.
Read More ...Showing 19 to 24 of 33 results