
𝟑𝟒𝐓𝐇 𝐀𝐍𝐍𝐔𝐀𝐋 𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐋 𝐌𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑𝐒𝐇𝐈𝐏 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐌𝐁𝐋𝐘 (𝐀𝐆𝐌𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟓) 𝐇𝐮𝐧𝐲𝐨 𝟐𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟓 | 𝐒𝐚𝐛𝐚𝐝𝐨
Friday May 02, 2025
View Link
Inaanyayahan ng pamunuan ng Nueva Ecija I Electric Cooperative, Inc. (NEECO I) ang lahat ng Member-Consumer-Owners (MCOs) sa idaraos na 34th Annual General Membership Assembly (AGMA) sa darating na Hunyo 21, 2025 (Sabado). Ngayong taon, isasagawa ang AGMA sa pamamagitan ng hybrid setup: - Face-to-face na pagdalo para sa mga konsyumers lalo na sa mga Opisyal ng Member-Consumer-Owners Organization (MCOO) sa NEECO I Main Office. - Online participation para sa karamihan ng mga member-consumers, sa pamamagitan ng live broadcast o FB Live sa official Facebook page ng NEECO I. Layunin ng hybrid setup na bigyang-daan ang mas maginhawa at mas malawak na paglahok ng mga konsyumer sa pamamagitan ng online attendance. Dito masasaksihan ang taunang pag-uulat tungkol sa mga nagdaang pagsubok, tagumpay, at mga nakatakdang plano ng kooperatiba upang mas mapabuti pa ang serbisyo ng kuryente sa mga bayang nasasakupan ng NEECO I. Kasabay ng AGMA ay ang inaabangang 𝐑𝐀𝐅𝐅𝐋𝐄 𝐃𝐑𝐀𝐖, kaya manatiling nakatutok sa NEECO I Facebook page para sa mga susunod na detalye kung paano magparehistro at sumali para sa pagkakataong manalo ng mga papremyo ngayong taon!
Read More ...
𝐏𝐎𝐖𝐄𝐑 𝐑𝐀𝐓𝐄 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘 | 𝐏𝐨𝐬𝐢𝐛𝐥𝐞𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐚𝐬 𝐬𝐚 𝐒𝐢𝐧𝐠𝐢𝐥 𝐧𝐠 𝐊𝐮𝐫𝐲𝐞𝐧𝐭𝐞 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐀𝐩𝐫𝐢𝐥 𝐁𝐢𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠
Friday April 11, 2025
Bakit posibleng tumaas ang singil sa April Billing? - Dahil maaaring tumaas muli ang halaga ng GENERATION CHARGE 🔹 Sa panahon ngayon ng tag-init, tuloy-tuloy ang pagtaas ng demand, ibig sabihin ay mas mataas ang pangangailangan sa kuryente. 🔹 Kapag tumaas ang demand, numinipis ang supply ng kuryente na nagreresulta ng pagtaas ng presyo nito. Upang tugunan ang mataas na demand, kinakailangan ng mga Power Generators na patakbuhin ang mga power plants na may mas mataas na halaga tulad ng mga diesel power plants na nagreresulta sa mataas na presyo din ng kuryente. 🔹 Ang gastos para dito ay sa Generation Charge pumapasok, na siyang pinakamalaking porsyento ng electric bill. 𝐀𝐥𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐍𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐄𝐥𝐞𝐜𝐭𝐫𝐢𝐜 𝐁𝐢𝐥𝐥 𝐧𝐚 𝐁𝐢𝐧𝐚𝐛𝐚𝐲𝐚𝐫𝐚𝐧 𝐤𝐚𝐝𝐚 𝐊𝐖𝐇 Pagkaka Hati-hati sa Singil ng Electric bill 1. GENERATION CHARGE - bayad para sa mga power suppliers o WESM. - May pinakamalaking porsyento sa ating electric bill 2. DISTRIBUTION, SUPPLY & METERING CHARGE - bayad para sa operasyon ng NEECO I. - PHP 1.9013 per KWH ng electric bill - ang presyong ito ay hindi pa nagbabago simula pa noong taong 2012 3. TRANSMISSION CHARGE - bayad para sa NGCP, ang nagsisilbing taga-deliver ng ating supply ng kuryente gamit ang transmission lines. 4. SYSTEM LOSS CHARGE - ang ipinapasang singil sa mga konsyumers para sa mga nawala o nasasayang na kuryente. - 48 Sentimo lang per kWh sa presyo ng electric bill natin ngayon 5. GOVERNMENT CHARGES - bayad sa mga subsidies at iba pang singil mula sa gobyerno 6. VAT - bayad sa buwis alinsunod sa batas 𝐴𝑛𝑔 𝑘𝑜𝑜𝑝 𝑎𝑦 𝑛𝑎𝑖𝑠 𝑝𝑎 𝑟𝑖𝑛 𝑚𝑎𝑔𝑝𝑎𝑎𝑙𝑎𝑙𝑎 𝑠𝑎 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑡𝑖𝑝𝑖𝑑 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑔𝑎𝑚𝑖𝑡 𝑛𝑔 𝑘𝑢𝑟𝑦𝑒𝑛𝑡𝑒 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑚𝑎𝑘𝑎𝑏𝑎𝑤𝑎𝑠 𝑠𝑎 𝑒𝑝𝑒𝑘𝑡𝑜 𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑡𝑎𝑎𝑠 𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑛𝑔𝑖𝑙. 𝑀𝑎𝑟𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑙𝑎𝑚𝑎𝑡 𝑝𝑜.
Read More ...
𝐏𝐎𝐖𝐄𝐑 𝐑𝐀𝐓𝐄 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘
Wednesday April 02, 2025
View Link
𝐀𝐥𝐚𝐦𝐢𝐧: 𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐏𝐨𝐬𝐢𝐛𝐥𝐞𝐧𝐠 𝐓𝐮𝐦𝐚𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐢𝐧𝐠𝐢𝐥 𝐬𝐚 𝐊𝐮𝐫𝐲𝐞𝐧𝐭𝐞 𝐍𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐀𝐩𝐫𝐢𝐥 𝐁𝐢𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠? - Isa sa pangunahing dahilan ng pagtaas ng singil sa kuryente ay ang pagsipa ng Generation Charge — ang pinakamalaking bahagi ng ating electricity bill. 𝐀𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐡𝐚𝐫𝐠𝐞? - Ito ang bayad sa paglikha ng kuryente mula sa iba’t ibang planta, kabilang ang mga gumagamit ng coal, diesel, natural gas, at iba pang energy sources. 𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐆𝐄 = 𝐏𝐀𝐒𝐒-𝐎𝐍 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐆𝐄 - Ang Generation Charge ay isang pass-on charge, ibig sabihin ito ay hindi kinikita ng NEECO I. - Direktang ibinabayad ito sa WESM kung saan kumukuha ng supply ng kuryente ang kooperatiba. - Ang anumang pagbabago sa presyo nito ay nakasalalay sa mga supplier at sa merkado ng kuryente. 𝐀𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐃𝐚𝐡𝐢𝐥𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐆𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐡𝐚𝐫𝐠𝐞? - Mataas na demand ngayong tag-init: mas maraming nangangailangan, mas maraming kuryente ang kailangang i-produce kaya tumataas ang Generation Charge - Posibleng pagtaas ng presyo sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM): kapag mas mahal ang kuryente sa merkado, tumataas din ang Generation Charge Ang NEECO I ay walang kontrol sa Generation Charge dahil ito ay direktang ibinabayad sa mga nagpoproduce ng kuryente. 𝑃𝑖𝑛𝑎𝑝𝑎𝑎𝑙𝑎𝑙𝑎 𝑠𝑎 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑡𝑖𝑝𝑖𝑑 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑔𝑎𝑚𝑖𝑡 𝑛𝑔 𝑘𝑢𝑟𝑦𝑒𝑛𝑡𝑒 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑚𝑎𝑘𝑎𝑏𝑎𝑤𝑎𝑠 𝑠𝑎 𝑒𝑝𝑒𝑘𝑡𝑜 𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑡𝑎𝑎𝑠 𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑛𝑔𝑖𝑙. 𝑀𝑎𝑟𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑙𝑎𝑚𝑎𝑡 𝑝𝑜.
Read More ...
𝐏𝐎𝐖𝐄𝐑 𝐑𝐀𝐓𝐄 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘 | 𝐈𝐧𝐚𝐚𝐬𝐚𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐮𝐫𝐲𝐞𝐧𝐭𝐞 𝐬𝐚 𝐒𝐮𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐧𝐚 𝐁𝐢𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡
Wednesday March 26, 2025
View Link
Dahil sa pagtaas ng temperatura ngayong papasok na summer season, nagsisimula na ring tumaas ang demand sa kuryente, na posibleng magresulta sa pagtaas ng halaga nito. 📌 𝐓𝐀𝐍𝐃𝐀𝐀𝐍: - Mas mataas na DEMAND, mas limitadong SUPPLY = pagtaas ng presyo - Ang presyo ng kuryente ay parang presyo ng gasolina — minsan pataas, minsan pababa. - Kapansin-pansin na ang pinagkukuhanang supply ng kuryente ng NEECO I ay mas mababa ang halaga noong mga nakaraang buwan, kung saan mas malamig ang panahon. 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐮𝐫𝐲𝐞𝐧𝐭𝐞 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐍𝐚𝐠𝐝𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧: 🔹 October 2024: ₱8.33/kWh 🔹 November 2024: ₱4.96/kWh 🔹 December 2024: ₱8.73/kWh 🔹 January 2025: ₱7.48/kWh 🔹 February 2025: ₱7.02/kWh 🔹 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟐𝟎𝟐𝟓: ₱𝟔.𝟗𝟖/𝐤𝐖𝐡 (𝑏𝑖𝑙𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑜𝑛𝑡ℎ 𝑎𝑡 𝑝𝑟𝑒𝑠𝑦𝑜 𝑛𝑔𝑎𝑦𝑜𝑛) 𝐊𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧 𝐄𝐩𝐞𝐤𝐭𝐢𝐛𝐨? - BILLING MONTH: APRIL 2025 - Ito ang kasalukuyang konsumo ng kuryente mula ngayon hanggang sa susunod na buwan. - Ang meter reading para dito ay sa huling linggo ng April 2025, at sisingilin ito sa May 2025. 📢 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐮𝐩𝐝𝐚𝐭𝐞𝐝! Ang NEECO I ay patuloy na magbibigay ng update patungkol sa naging forecast na posibleng pagtaas ng singil sa kuryente. Pinapakiusapan ang lahat na magtipid sa paggamit ng kuryente upang makatipid sa bayarin para sa susunod na buwan.
Read More ...
𝐑𝐄𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐀𝐂𝐓 𝟏𝟏𝟑𝟔𝟏, 𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐋𝐀𝐌𝐈𝐍:
Tuesday March 11, 2025
𝐀𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐑𝐞𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐀𝐜𝐭 𝟏𝟏𝟑𝟔𝟏 𝐨 𝐀𝐧𝐭𝐢-𝐎𝐛𝐬𝐭𝐫𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐏𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐋𝐢𝐧𝐞? Ito ang batas na nagtitiyak ng tuluy-tuloy at walang antalang paghahatid at pagpapamahagi ng kuryente sa linya ng may tamang pangangalaga, pag-iingat, at paggawad ng karampatang parusa sa sinumang lalabag dito. 𝐏𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐋𝐢𝐧𝐞 𝐂𝐨𝐫𝐫𝐢𝐝𝐨𝐫 Ang power line corridor (PLC) ay tumutukoy sa espasyong nakapaligid sa poste at tinatawiran ng kawad ng kuryente na dapat ay nananatiling malinis at walang anumang sagabal tulad ng mga HALAMANAN AT PUNO dahil maaaring maging sanhi ito ng pagkaantala ng daloy ng kuryente. 𝐌𝐠𝐚 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐰𝐚𝐥 𝐧𝐠 𝐑𝐀 𝟏𝟏𝟑𝟔𝟏 >>Pagtatanim ng mga puno malapit sa PLC. >>Anumang istraktura o pagawain na maaaring maging sagabal sa PLC. >>>Pagpigil sa pagpasok ng mga otorisadong kawani para sa mahahalagang pagawain sa linya ng kuryente. 𝟑 𝐌𝐞𝐭𝐞𝐫 𝐙𝐨𝐧𝐞 Maaaring magsagawa ang NEECO 1 ng pagpulak ng mga puno o halaman na nasasakop ng 3-meter zone bilang bahagi ng maintenance activity. 𝐏𝐚𝐫𝐮𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐥𝐚𝐛𝐚𝐠 UNANG PAGLABAG: Hanggang 6 na buwan na pagkakakulong/multa na PHP 50,000 o pareho; IKALAWANG PAGLABAG: Hanggang 6 na taon na pagkakakulong/multa na PHP 100,000 o pareho; IKATLONG PAGLABAG: Hanggang 12 na taon na pagkakakulong/multa na PHP 200,000 o pareho. Maaaring magsagawa ang NEECO 1 ng pagpulak ng mga puno o halaman na nasasakop ng 3-meter zone bilang bahagi ng maintenance activity.
Read More ...
𝐑𝐞𝐬𝐢𝐛𝐨𝐧𝐚𝐧𝐳𝐚 𝐏𝐚𝐩𝐫𝐞𝐦𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐑𝐞𝐬𝐢𝐛𝐨 | 𝐏𝐚𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐒𝐮𝐦𝐚𝐥𝐢?
Thursday February 27, 2025
1. Automatic kang makakasali kapag binayaran mo ang iyong monthly electric bill bago ang duedate. 2. Lahat ng nagbabayad sa GCASH o iba pang ecpay/truemoney accredited outlets ay kasali, maging ang mga nagbabayad sa NEECO I District Offices. 𝐓𝐮𝐰𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐢𝐥𝐢 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐧𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐥𝐨? - Buwan-buwan ay may mga winners tayo ng Resibonanza. - Ipopost sa official FB page ng NEECO I ang mga mananalo kaya i-like at share ang ating Page para manatiling updated. 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐬𝐚𝐲𝐨 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐢𝐥𝐥? - Kung ikaw ay isa sa mga winners at hindi sa’yo nakapangalan ang electric bill, magdala lang ng barangay certificate na nagsasabing ikaw na ang kasalukuyang gumagamit ng metro. ✔️𝐵𝐴𝑌𝐴𝑅𝐴𝑁 𝐿𝐴𝑀𝐴𝑁𝐺 𝐴𝑁𝐺 𝐼𝑌𝑂𝑁𝐺 𝐵𝐼𝐿𝐿 𝐵𝐴𝐺𝑂 𝑀𝐴𝐺𝐷𝑈𝐸𝐷𝐴𝑇𝐸 𝐴𝑇 𝑀𝐴𝐺𝐾𝐴𝑅𝑂𝑂𝑁 𝑁𝐺 𝑃𝐴𝐺𝐾𝐴𝐾𝐴𝑇𝐴𝑂𝑁𝐺 𝑀𝐴𝑁𝐴𝐿𝑂 𝑁𝐺 𝑆𝑂𝑅𝑃𝑅𝐸𝑆𝐴𝑁𝐺 𝑃𝐴𝑃𝑅𝐸𝑀𝑌𝑂 𝑆𝐴 𝑁𝐸𝐸𝐶𝑂 𝐼
Read More ...Showing 13 to 18 of 33 results