𝐏𝐎𝐖𝐄𝐑 𝐑𝐀𝐓𝐄 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘 | 𝐏𝐨𝐬𝐢𝐛𝐥𝐞𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐚𝐬 𝐬𝐚 𝐒𝐢𝐧𝐠𝐢𝐥 𝐧𝐠 𝐊𝐮𝐫𝐲𝐞𝐧𝐭𝐞 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐀𝐩𝐫𝐢𝐥 𝐁𝐢𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠
Friday April 11, 2025
Bakit posibleng tumaas ang singil sa April Billing?
- Dahil maaaring tumaas muli ang halaga ng GENERATION CHARGE
🔹 Sa panahon ngayon ng tag-init, tuloy-tuloy ang pagtaas ng demand, ibig sabihin ay mas mataas ang pangangailangan sa kuryente.
🔹 Kapag tumaas ang demand, numinipis ang supply ng kuryente na nagreresulta ng pagtaas ng presyo nito. Upang tugunan ang mataas na demand, kinakailangan ng mga Power Generators na patakbuhin ang mga power plants na may mas mataas na halaga tulad ng mga diesel power plants na nagreresulta sa mataas na presyo din ng kuryente.
🔹 Ang gastos para dito ay sa Generation Charge pumapasok, na siyang pinakamalaking porsyento ng electric bill.
𝐀𝐥𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐍𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐄𝐥𝐞𝐜𝐭𝐫𝐢𝐜 𝐁𝐢𝐥𝐥 𝐧𝐚 𝐁𝐢𝐧𝐚𝐛𝐚𝐲𝐚𝐫𝐚𝐧 𝐤𝐚𝐝𝐚 𝐊𝐖𝐇
Pagkaka Hati-hati sa Singil ng Electric bill
1. GENERATION CHARGE - bayad para sa mga power suppliers o WESM.
- May pinakamalaking porsyento sa ating electric bill
2. DISTRIBUTION, SUPPLY & METERING CHARGE - bayad para sa operasyon ng NEECO I.
- PHP 1.9013 per KWH ng electric bill - ang presyong ito ay hindi pa nagbabago simula pa noong taong 2012
3. TRANSMISSION CHARGE - bayad para sa NGCP, ang nagsisilbing taga-deliver ng ating supply ng kuryente gamit ang transmission lines.
4. SYSTEM LOSS CHARGE - ang ipinapasang singil sa mga konsyumers para sa mga nawala o nasasayang na kuryente.
- 48 Sentimo lang per kWh sa presyo ng electric bill natin ngayon
5. GOVERNMENT CHARGES - bayad sa mga subsidies at iba pang singil mula sa gobyerno
6. VAT - bayad sa buwis alinsunod sa batas
𝐴𝑛𝑔 𝑘𝑜𝑜𝑝 𝑎𝑦 𝑛𝑎𝑖𝑠 𝑝𝑎 𝑟𝑖𝑛 𝑚𝑎𝑔𝑝𝑎𝑎𝑙𝑎𝑙𝑎 𝑠𝑎 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑡𝑖𝑝𝑖𝑑 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑔𝑎𝑚𝑖𝑡 𝑛𝑔 𝑘𝑢𝑟𝑦𝑒𝑛𝑡𝑒 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑚𝑎𝑘𝑎𝑏𝑎𝑤𝑎𝑠 𝑠𝑎 𝑒𝑝𝑒𝑘𝑡𝑜 𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑡𝑎𝑎𝑠 𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑛𝑔𝑖𝑙. 𝑀𝑎𝑟𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑙𝑎𝑚𝑎𝑡 𝑝𝑜.