Notice of Virtual Hearing | ERC Case No. 2026 - 018 CF
Monday May 11, 2026
View Link
IN THE MATTER OF THE APPLICATION FOR CONFIRMATION AND APPROVAL OF GENERATION RATE OVER/UNDER RECOVERY; TRANSMISSION RATE OVER/UNDER RECOVERY; SYSTEM LOSS RATE OVER/UNDER RECOVERY; LIFELINE SUBSIDY OVER/UNDER RECOVERY; SENIOR CITIZEN DISCOUNT AND SUBSIDY OVER/UNDER RECOVERY; AND LOCAL TAXES PASS THRU CHARGES OVER/UNDER RECOVERY FROM JANUARY 2023 TO DECEMBER 2025
Read More ...
𝟑𝟓𝐭𝐡 𝐀𝐆𝐌𝐀 - 𝐏𝐑𝐄𝐑𝐄𝐆𝐈𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 | 𝐌𝐚𝐲 𝟒 – 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟏𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔
Monday May 11, 2026
View Link
𝐖𝐡𝐚𝐭 𝐭𝐨 𝐝𝐨? ✅ Pumunta lamang sa pinakamalapit na NEECO I District Office sa inyong lugar ✅ Ihanda ang inyong Account Number (makikita sa electric bill) ✅ Matapos magpatala, makakatanggap ng pre-registration stub para sa AGMA 2026 🗓 May 4 – June 11, 2026 𝐀𝐭𝐭𝐞𝐧𝐝𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐕𝐞𝐫𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 | Dalawang paraan sa pagsali sa AGMA 2026 at RAFFLE DRAW gamit ang pre-registration stub; ✅ Face-to-Face - dalhin ang pre-registration stub sa NEECO I Main Office sa araw ng AGMA at ipakita sa representative. ✅ via Online - Abangan ang FB Live sa araw ng AGMA kasabay ng LINK na ipopost para i-enter mo ang code mula sa iyong pre-registration stub. Dalhin ang PREREGISTRATION STUB sa araw ng AGMA (June 20, 2026) para sa pagkakataong manalo sa taunang RAFFLE DRAW ng ating pagpupulong. 𝑀𝑎𝑔𝑟𝑒𝑔𝑖𝑠𝑡𝑒𝑟, 𝑀𝑎𝑘𝑖𝑙𝑎ℎ𝑜𝑘, 𝑀𝑎𝑛𝑎𝑙𝑜! #agma2026 #june20
Read More ...
𝐊𝐍𝐎𝐖 𝐘𝐎𝐔𝐑 𝐁𝐈𝐋𝐋 | 𝐒𝐚𝐚𝐧 𝐍𝐚𝐩𝐮𝐩𝐮𝐧𝐭𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐢𝐧𝐚𝐛𝐚𝐲𝐚𝐫𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐊𝐮𝐫𝐲𝐞𝐧𝐭𝐞?
Wednesday April 29, 2026
View Link
Narito ang breakdown kung saan napupunta ang binabayaran ng ating mga member-consumers: ⚡ 𝟏. 𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐆𝐄 • Ito ay isang pass-through charge, ang halagang binabayad ng NEECO I sa mga power generator na nagbibigay ng kuryente sa ating mga tahanan. • Ito ang pinakamalaking bahagi ng ating monthly bill. ⚡ 𝟐. 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐆𝐄 • Pass-through charge din ito na ibinabayad sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang linya ng kuryente na nagsisilbing tulay mula sa power plant hanggang sa distribution lines ng NEECO I. ⚡ 𝟑. 𝐒𝐘𝐒𝐓𝐄𝐌 𝐋𝐎𝐒𝐒 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐆𝐄 • Kinakatawan nito ang halaga ng kuryenteng nawawala o natatapon habang idinadala ang kuryente mula sa NEECO I patungo sa mga bahay at negosyo ng ating mga consumers. ⚡ 𝟒. 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍, 𝐒𝐔𝐏𝐏𝐋𝐘 & 𝐌𝐄𝐓𝐄𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐆𝐄 (𝐃𝐒𝐌) • Ito ang tanging bahagi ng bill na napupunta sa NEECO I — ginagamit para sa pang-araw-araw na operasyon ng ating kooperatiba • ₱1.9013/kWh lamang at ito ay aprubado ng ERC • Kasama rin dito ang Retail Customer, Metering, at RFSC, mga bayad para sa pagpapanatili ng buong electric distribution system ⚡ 𝟓. 𝐕𝐀𝐋𝐔𝐄 𝐀𝐃𝐃𝐄𝐃 𝐓𝐀𝐗 (𝐕𝐀𝐓) • Mga buwis na nakapaloob sa Generation Charge at Transmission Charge. Hindi ito kita ng kooperatiba. ━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━ ⚡ 𝟔. 𝐎𝐓𝐇𝐄𝐑 𝐆𝐎𝐕𝐄𝐑𝐍𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐆𝐄𝐒 • Mga mandatoryong singil na itinakda ng gobyerno na ipinapasa sa mga consumer — walang bahagi nito ang napupunta sa NEECO 1 📌 𝐌𝐠𝐚 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐡𝐚𝐫𝐠𝐞𝐬: • Lifeline Subsidy – alinsunod sa EPIRA Law at ERC, ipinapasa ang bayarin sa consumers bilang tulong sa marginalized end-users • Senior Citizen Discount Rate – alinsunod sa batas at ERC, ipinapasa ang bayarin sa consumers bilang tulong sa senior citizens ━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━ ⚡ 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐚𝐥 𝐂𝐡𝐚𝐫𝐠𝐞𝐬 (𝐔𝐂) • Pass-through charges na mandato ng batas alinsunod sa EPIRA Law at ibinabayad sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno • UC-Missionary – tulong para maihatid ang kuryente sa mga liblib at off-grid areas • UC-Environmental – pondo para sa environmental projects tulad ng watershed rehabilitation • UC-NPC Stranded Debt – bayad sa utang ng National Power Corporation mula sa mga dating power projects • UC-REDCI – pondo para sa development at environmental-related initiatives sa power sector ━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━ 🌱 𝐑𝐞𝐧𝐞𝐰𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐄𝐧𝐞𝐫𝐠𝐲 𝐂𝐡𝐚𝐫𝐠𝐞𝐬 • FIT-All – government-mandated charge na sumusuporta sa renewable energy tulad ng solar, wind, at hydro • GEA-All – bayad para sa mga bagong renewable energy projects mula sa government auction • REC – kaugnay ng renewable energy compliance at clean energy policies ━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━ ⚠️ 𝐏𝐀𝐔𝐍𝐀𝐖𝐀 • Ang bawat singil sa ating bill ay mahigpit na kinokontrol at sinusubaybayan ng Energy Regulatory Commission (ERC) — ipinapatupad alinsunod sa mandato ng pamahalaan at sa mga probisyon ng batas, upang matiyak ang makatarungan at makatwirang pagsingil sa bawat member-consumer.
Read More ...
𝐏𝐀𝐔𝐍𝐀𝐖𝐀 | 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐁𝐢𝐥𝐥 𝐧𝐠 𝐊𝐮𝐫𝐲𝐞𝐧𝐭𝐞, 𝐀𝐧𝐨 𝐧𝐠𝐚 𝐛𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐃𝐚𝐡𝐢𝐥𝐚𝐧?
Wednesday April 29, 2026
View Link
⚡ 𝟏. 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐀𝐒 𝐍𝐆 𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐆𝐄 - Ito ang bayad sa power plants. Dahil sa pagtaas ng presyo ng fuel sa pandaigdigang merkado, tumaas ang presyo ng kuryente mula sa mga power supplier. 🌡️ 𝟐. 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐀𝐒𝐎𝐍 (𝐌𝐀𝐒 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐀𝐒 𝐍𝐀 𝐊𝐎𝐍𝐒𝐔𝐌𝐎) - Sa mainit na panahon, nababago ang paggamit sa mga appliances katulad ng aircon, ref, at iba pa. - Kahit pareho ang gamit, kadalasang mas hirap magpalamig ang appliances kahit mga inverter-type dahil sa init ng panahon - na nagreresulta sa mas mataas na konsumo. 🌍 𝟑. 𝐒𝐔𝐏𝐏𝐋𝐘 𝐀𝐓 𝐃𝐄𝐌𝐀𝐍𝐃 - Dulot ng krisis sa Middle East, nagkaroon ng pagmahal sa fuel na ginagamit sa produksyon ng kuryente. - Kapag mataas ang demand at kulang ang supply, tumataas ang presyo ng kuryente.
Read More ...
Power Supply Procurement Plan (PSPP) 2025-2034
Friday April 10, 2026
View Link
Power Supply Procurement Plan (PSPP) 2025-2034 Nueva Ecija I Electric Cooperative, Inc
Read More ...
𝐌𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐛𝐚? | 𝐌𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐂𝐚𝐫𝐚𝐯𝐚𝐧
Tuesday April 07, 2026
View Link
Para sa mga konsumidores na hindi pa nakatalang miyembro ng NEECO I, 𝐦𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐫𝐨𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐂𝐚𝐫𝐚𝐯𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐬𝐭𝐢𝐭𝐮𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞𝐬 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐭 (𝐈𝐒𝐃) sa darating na Abril 7, 2026, Martes mula 9:00 A.M. hanggang 4:00 P.M. sa District Office sa Brgy. San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija. 𝐍𝐚𝐫𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚𝐚𝐧 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐫𝐞𝐡𝐢𝐬𝐭𝐫𝐨: •Pumunta sa NEECO I District Office sa Brgy. San Vicente, Gapan City at hanapin ang booth/pwesto ng Caravan. •Ipakita ang SOA sa nakatalagang empleyado ng NEECO I upang i-verify ang inyong account kung naka-miyembro na o hindi pa. •Kung hindi pa, magbayad ng limang piso (P5.00) upang maiproseso ang inyong account at maging isang lehitimong miyembro ng Kooperatiba.
Read More ...Showing 7 to 12 of 57 results