
𝟑𝟒𝐓𝐇 𝐀𝐍𝐍𝐔𝐀𝐋 𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐋 𝐌𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑𝐒𝐇𝐈𝐏 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐌𝐁𝐋𝐘 (𝐀𝐆𝐌𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟓) 𝐇𝐮𝐧𝐲𝐨 𝟐𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟓 | 𝐒𝐚𝐛𝐚𝐝𝐨
Friday May 02, 2025
View Link
Inaanyayahan ng pamunuan ng Nueva Ecija I Electric Cooperative, Inc. (NEECO I) ang lahat ng Member-Consumer-Owners (MCOs) sa idaraos na 34th Annual General Membership Assembly (AGMA) sa darating na Hunyo 21, 2025 (Sabado).
Ngayong taon, isasagawa ang AGMA sa pamamagitan ng hybrid setup:
- Face-to-face na pagdalo para sa mga konsyumers lalo na sa mga Opisyal ng Member-Consumer-Owners Organization (MCOO) sa NEECO I Main Office.
- Online participation para sa karamihan ng mga member-consumers, sa pamamagitan ng live broadcast o FB Live sa official Facebook page ng NEECO I.
Layunin ng hybrid setup na bigyang-daan ang mas maginhawa at mas malawak na paglahok ng mga konsyumer sa pamamagitan ng online attendance. Dito masasaksihan ang taunang pag-uulat tungkol sa mga nagdaang pagsubok, tagumpay, at mga nakatakdang plano ng kooperatiba upang mas mapabuti pa ang serbisyo ng kuryente sa mga bayang nasasakupan ng NEECO I.
Kasabay ng AGMA ay ang inaabangang 𝐑𝐀𝐅𝐅𝐋𝐄 𝐃𝐑𝐀𝐖, kaya manatiling nakatutok sa NEECO I Facebook page para sa mga susunod na detalye kung paano magparehistro at sumali para sa pagkakataong manalo ng mga papremyo ngayong taon!