𝐋𝐢𝐟𝐞𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦
Tuesday April 07, 2026
View Link
Ang Lifeline Rate ay subsidiya para sa mga low-income o marginalized consumers
𝐒𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐰𝐚𝐥𝐢𝐩𝐢𝐤𝐚𝐝𝐨?
• Mga kwalipikadong 4Ps beneficiaries
• Mga pamilyang nasa ilalim ng poverty threshold ayon sa PSA at DSWD
𝐁𝐞𝐧𝐞𝐩𝐢𝐬𝐲𝐨
• Libre ang kuryente para sa konsumo na 0–50 kWh bawat buwan
• Awtomatikong ibinibigay ang diskwento kung 50 kWh pababa ang konsumo. Kapag lumampas sa 50 kWh, hindi maibibigay ang diskwento sa buwang iyon.
𝐕𝐞𝐫𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧
• Makipag-ugnayan sa Local DSWD o sa Institutional Services Department (ISD) ng NEECO I Main Office sa Brgy. Malapit, San Isidro, Nueva Ecija para sa beripikasyon ng account.
• Kailangang nakapangalan ang NEECO I account sa mismong qualified beneficiary.
- Kung hindi pa nakapangalan, magproseso ng Change Name sa NEECO I Main Office.
𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀: Awtomatikong makakatanggap ng Lifeline Discount ang qualified end-users na sila mismo ang nakapangalan sa electric bill.
𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐥𝐢:
• Mga nakatira sa condominium o subdivision (maliban kung government housing project)
• Mga consumer na may Net Metering services
• Mga nahulihan ng illegal connection na lumabag sa R.A. 7832