𝐊𝐍𝐎𝐖 𝐘𝐎𝐔𝐑 𝐁𝐈𝐋𝐋 | 𝐒𝐚𝐚𝐧 𝐍𝐚𝐩𝐮𝐩𝐮𝐧𝐭𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐢𝐧𝐚𝐛𝐚𝐲𝐚𝐫𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐊𝐮𝐫𝐲𝐞𝐧𝐭𝐞?

Wednesday April 29, 2026

View Link

Narito ang breakdown kung saan napupunta ang binabayaran ng ating mga member-consumers:
⚡ 𝟏. 𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐆𝐄
• Ito ay isang pass-through charge, ang halagang binabayad ng NEECO I sa mga power generator na nagbibigay ng kuryente sa ating mga tahanan.
• Ito ang pinakamalaking bahagi ng ating monthly bill.
⚡ 𝟐. 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐆𝐄
• Pass-through charge din ito na ibinabayad sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang linya ng kuryente na nagsisilbing tulay mula sa power plant hanggang sa distribution lines ng NEECO I.
⚡ 𝟑. 𝐒𝐘𝐒𝐓𝐄𝐌 𝐋𝐎𝐒𝐒 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐆𝐄
• Kinakatawan nito ang halaga ng kuryenteng nawawala o natatapon habang idinadala ang kuryente mula sa NEECO I patungo sa mga bahay at negosyo ng ating mga consumers.
⚡ 𝟒. 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍, 𝐒𝐔𝐏𝐏𝐋𝐘 & 𝐌𝐄𝐓𝐄𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐆𝐄 (𝐃𝐒𝐌)
• Ito ang tanging bahagi ng bill na napupunta sa NEECO I — ginagamit para sa pang-araw-araw na operasyon ng ating kooperatiba
• ₱1.9013/kWh lamang at ito ay aprubado ng ERC
• Kasama rin dito ang Retail Customer, Metering, at RFSC, mga bayad para sa pagpapanatili ng buong electric distribution system
⚡ 𝟓. 𝐕𝐀𝐋𝐔𝐄 𝐀𝐃𝐃𝐄𝐃 𝐓𝐀𝐗 (𝐕𝐀𝐓)
• Mga buwis na nakapaloob sa Generation Charge at Transmission Charge. Hindi ito kita ng kooperatiba.
━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━
⚡ 𝟔. 𝐎𝐓𝐇𝐄𝐑 𝐆𝐎𝐕𝐄𝐑𝐍𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐆𝐄𝐒
• Mga mandatoryong singil na itinakda ng gobyerno na ipinapasa sa mga consumer — walang bahagi nito ang napupunta sa NEECO 1
📌 𝐌𝐠𝐚 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐡𝐚𝐫𝐠𝐞𝐬:
• Lifeline Subsidy – alinsunod sa EPIRA Law at ERC, ipinapasa ang bayarin sa consumers bilang tulong sa marginalized end-users
• Senior Citizen Discount Rate – alinsunod sa batas at ERC, ipinapasa ang bayarin sa consumers bilang tulong sa senior citizens
━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━
⚡ 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐚𝐥 𝐂𝐡𝐚𝐫𝐠𝐞𝐬 (𝐔𝐂)
• Pass-through charges na mandato ng batas alinsunod sa EPIRA Law at ibinabayad sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno
• UC-Missionary – tulong para maihatid ang kuryente sa mga liblib at off-grid areas
• UC-Environmental – pondo para sa environmental projects tulad ng watershed rehabilitation
• UC-NPC Stranded Debt – bayad sa utang ng National Power Corporation mula sa mga dating power projects
• UC-REDCI – pondo para sa development at environmental-related initiatives sa power sector
━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━
🌱 𝐑𝐞𝐧𝐞𝐰𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐄𝐧𝐞𝐫𝐠𝐲 𝐂𝐡𝐚𝐫𝐠𝐞𝐬
• FIT-All – government-mandated charge na sumusuporta sa renewable energy tulad ng solar, wind, at hydro
• GEA-All – bayad para sa mga bagong renewable energy projects mula sa government auction
• REC – kaugnay ng renewable energy compliance at clean energy policies
━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━
⚠️ 𝐏𝐀𝐔𝐍𝐀𝐖𝐀
• Ang bawat singil sa ating bill ay mahigpit na kinokontrol at sinusubaybayan ng Energy Regulatory Commission (ERC) — ipinapatupad alinsunod sa mandato ng pamahalaan at sa mga probisyon ng batas, upang matiyak ang makatarungan at makatwirang pagsingil sa bawat member-consumer.