𝐏𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐋𝐢𝐧𝐞𝐰𝐨𝐫𝐤𝐞𝐫'𝐬 𝐀𝐩𝐩𝐫𝐞𝐜𝐢𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐃𝐚𝐲
Tuesday August 05, 2025
Ngayong araw, sabay-sabay na kinilala sa buong bansa ang mga sundalo ng pailaw sa kani-kanilang electric cooperatives, bilang bahagi ng taunang pagdiriwang ng Lineworker’s Appreciation Day na ginaganap tuwing unang Lunes ng Agosto.
Sa NEECO I, buong pusong pinarangalan ang ating mga lineman mula sa iba't ibang unit - construction crew, line maintenance, meter readers, at pilferage-apprehension team. Bilang espesyal na pagkilala, ginawaran din ang mga crew na pinangungunahan nina Foreman Reynante Dela Cruz, Foreman Edwin Castillo, at Foreman Alex Ador Dionisio para sa kanilang natatanging serbisyo.
Kinilala rin si Mr. Raymond Bernardo para sa kanyang walang sawang pagbabahagi ng kaalaman at kwento ng buhay-lineman sa sariling niya social media page - Osnat TV .
Pinangunahan ng ating Board President na si Mr. Rodel T. Matias ang programa sa pamamagitan ng isang mainit na mensahe ng pagbati at pagkilala sa ating mga lineman, at sinundan ng mga department managers ng kooperatiba. Nagkaroon din ng maikling talakayan tungkol sa “7 Habits of Highly Effective Lineworkers” sa pangunguna ni Dr. Cristian Gregor Atacador, HR Chief ng NEECO I.
Muli, maraming salamat sa ating mga lineman!