📢 𝐄𝐍𝐄𝐑𝐆𝐘 𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐓𝐎𝐑𝐘 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 (𝐄𝐑𝐂) 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘 (𝐸𝑅𝐶 𝑅𝑒𝑠𝑜𝑙𝑢𝑡𝑖𝑜𝑛 𝑁𝑜. 4, 𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 𝑜𝑓 2026)

Thursday May 21, 2026

View Link

Layunin ng resolusyong ito na gawing mas malinaw ang mga singil sa kuryente para mapangalagaan ang consumer welfare protection at pagtibayin ang integridad at public accountability ng mga Distribution Utilities sa industriya ng kuryente.
Sa mga susunod na Billing Month, makikita na sa Electric Bills o Statements of Account ang breakdown ng charges na bumubuo sa 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐦𝐢𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐒𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦.
Ang Ancillary Service Charge sa inyong bill ay hindi po bagong singil. Dati po, kasama na ito sa Transmission Charge. Ngayon lamang ito pinaghiwalay alinsunod sa ERC Resolution No. 4, S. 2026, upang maging mas malinaw at transparent kung saan napupunta ang inyong binabayaran.
• Walang dagdag na bayad
• Mas detalyadong breakdown
• Para sa transparency
𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐍𝐀𝐖
• 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐆𝐄
Ito ang bayad sa paggamit ng transmission lines ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nagdadala ng kuryente mula sa power plants papunta sa NEECO 1.
• 𝐀𝐍𝐂𝐈𝐋𝐋𝐀𝐑𝐘 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄𝐒 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐆𝐄𝐒
Ito ang bayad para sa mga suportang serbisyo (tulad ng backup power at voltage regulation) na nagsisiguro ng stable, ligtas, at tuloy-tuloy na supply ng kuryente sa buong grid.
• 𝐏𝐀𝐒𝐒-𝐓𝐇𝐑𝐔 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐆𝐄
Ito ang mga singil na hindi kita ng NEECO 1. Binabayaran ito ng consumer sa NEECO 1, at buo itong ipinapasa sa NGCP, power generators, o iba pang kinauukulang ahensya.