
𝐏𝐫𝐨𝐬𝐞𝐬𝐨 𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐛𝐮𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐮𝐫𝐲𝐞𝐧𝐭𝐞
Wednesday February 05, 2025
1. Generation - sa prosesong ito nililikha ang kuryente at dito rin bumibili ng power supply ang mga kooperatiba o distribution utilities. Maaaring nagmumula sa renewable energy or non-renewable energy resources ang gamit sa paglikha ng kuryente.
2. Transmission - sa pamamagitan ng mga transmission lines na pinamamahalaan ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, ay nakakarating o nakakatawid ang mga binibiling kuryente sa power suppliers papunta sa electric cooperatives o private distribution utilities.
3. Distribution - sa prosesong ito ibinabahagi ng electric cooperatives o private distribution utilities ang supply ng kuryente para mapag-ilaw ang mga bayang nasasakupan ng serbisyo nito.