𝐏𝐎𝐖𝐄𝐑 𝐑𝐀𝐓𝐄 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘

Wednesday April 02, 2025

View Link

𝐀𝐥𝐚𝐦𝐢𝐧: 𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐏𝐨𝐬𝐢𝐛𝐥𝐞𝐧𝐠 𝐓𝐮𝐦𝐚𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐢𝐧𝐠𝐢𝐥 𝐬𝐚 𝐊𝐮𝐫𝐲𝐞𝐧𝐭𝐞 𝐍𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐀𝐩𝐫𝐢𝐥 𝐁𝐢𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠?

- Isa sa pangunahing dahilan ng pagtaas ng singil sa kuryente ay ang pagsipa ng Generation Charge — ang pinakamalaking bahagi ng ating electricity bill.

𝐀𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐡𝐚𝐫𝐠𝐞?

- Ito ang bayad sa paglikha ng kuryente mula sa iba’t ibang planta, kabilang ang mga gumagamit ng coal, diesel, natural gas, at iba pang energy sources.

𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐆𝐄 = 𝐏𝐀𝐒𝐒-𝐎𝐍 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐆𝐄

- Ang Generation Charge ay isang pass-on charge, ibig sabihin ito ay hindi kinikita ng NEECO I.
- Direktang ibinabayad ito sa WESM kung saan kumukuha ng supply ng kuryente ang kooperatiba.
- Ang anumang pagbabago sa presyo nito ay nakasalalay sa mga supplier at sa merkado ng kuryente.

𝐀𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐃𝐚𝐡𝐢𝐥𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐆𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐡𝐚𝐫𝐠𝐞?

- Mataas na demand ngayong tag-init: mas maraming nangangailangan, mas maraming kuryente ang kailangang i-produce kaya tumataas ang Generation Charge
- Posibleng pagtaas ng presyo sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM): kapag mas mahal ang kuryente sa merkado, tumataas din ang Generation Charge
Ang NEECO I ay walang kontrol sa Generation Charge dahil ito ay direktang ibinabayad sa mga nagpoproduce ng kuryente.

𝑃𝑖𝑛𝑎𝑝𝑎𝑎𝑙𝑎𝑙𝑎 𝑠𝑎 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑡𝑖𝑝𝑖𝑑 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑔𝑎𝑚𝑖𝑡 𝑛𝑔 𝑘𝑢𝑟𝑦𝑒𝑛𝑡𝑒 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑚𝑎𝑘𝑎𝑏𝑎𝑤𝑎𝑠 𝑠𝑎 𝑒𝑝𝑒𝑘𝑡𝑜 𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑡𝑎𝑎𝑠 𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑛𝑔𝑖𝑙. 𝑀𝑎𝑟𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑙𝑎𝑚𝑎𝑡 𝑝𝑜.