𝐑𝐄𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐀𝐂𝐓 𝟏𝟏𝟑𝟔𝟏, 𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐋𝐀𝐌𝐈𝐍:
Tuesday March 11, 2025
𝐀𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐑𝐞𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐀𝐜𝐭 𝟏𝟏𝟑𝟔𝟏 𝐨 𝐀𝐧𝐭𝐢-𝐎𝐛𝐬𝐭𝐫𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐏𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐋𝐢𝐧𝐞?
Ito ang batas na nagtitiyak ng tuluy-tuloy at walang antalang paghahatid at pagpapamahagi ng kuryente sa linya ng may tamang pangangalaga, pag-iingat, at paggawad ng karampatang parusa sa sinumang lalabag dito.
𝐏𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐋𝐢𝐧𝐞 𝐂𝐨𝐫𝐫𝐢𝐝𝐨𝐫
Ang power line corridor (PLC) ay tumutukoy sa espasyong nakapaligid sa poste at tinatawiran ng kawad ng kuryente na dapat ay nananatiling malinis at walang anumang sagabal tulad ng mga HALAMANAN AT PUNO dahil maaaring maging sanhi ito ng pagkaantala ng daloy ng kuryente.
𝐌𝐠𝐚 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐰𝐚𝐥 𝐧𝐠 𝐑𝐀 𝟏𝟏𝟑𝟔𝟏
>>Pagtatanim ng mga puno malapit sa PLC.
>>Anumang istraktura o pagawain na maaaring maging sagabal sa PLC.
>>>Pagpigil sa pagpasok ng mga otorisadong kawani para sa mahahalagang pagawain sa linya ng kuryente.
𝟑 𝐌𝐞𝐭𝐞𝐫 𝐙𝐨𝐧𝐞
Maaaring magsagawa ang NEECO 1 ng pagpulak ng mga puno o halaman na nasasakop ng 3-meter zone bilang bahagi ng maintenance activity.
𝐏𝐚𝐫𝐮𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐥𝐚𝐛𝐚𝐠
UNANG PAGLABAG: Hanggang 6 na buwan na pagkakakulong/multa na PHP 50,000 o pareho;
IKALAWANG PAGLABAG: Hanggang 6 na taon na pagkakakulong/multa na PHP 100,000 o pareho;
IKATLONG PAGLABAG: Hanggang 12 na taon na pagkakakulong/multa na PHP 200,000 o pareho.
Maaaring magsagawa ang NEECO 1 ng pagpulak ng mga puno o halaman na nasasakop ng 3-meter zone bilang bahagi ng maintenance activity.