Announcement Image

𝟑𝟓𝐭𝐡 𝐀𝐆𝐌𝐀 - 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟐𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐏𝐚𝐚𝐧𝐲𝐚𝐲𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐌𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫-𝐂𝐨𝐧𝐬𝐮𝐦𝐞𝐫𝐬 𝐧𝐠 𝐍𝐄𝐄𝐂𝐎 𝐈

Tuesday June 16, 2026

View Link

Inaanyayahan ng pamunuan ng Nueva Ecija I Electric Cooperative, Inc. (NEECO I) ang lahat ng member-consumers na makiisa sa gaganaping 35th Annual General Membership Assembly (AGMA) sa darating na Hunyo 20, 2026 (Sabado).
🕖 Registration: 7:00 AM
🕘 Start of Program: 9:00 AM
Isasagawa ang AGMA 2026 sa pamamagitan ng hybrid setup:
• Face-to-face na pagdalo para sa member-consumers, lalo na ang mga Opisyal ng Member-Consumer-Owners Organization (MCOO), sa NEECO I Main Office.
• Online participation para sa karamihan ng mga member-consumers, sa pamamagitan ng live broadcast o FB Live sa official Facebook page ng NEECO I.
Layunin ng hybrid setup na mabigyan ng mas maginhawa at mas malawak na pagkakataon ang mga member-consumers na makilahok sa taunang pagpupulong ng kooperatiba.
Dito ihaharap ang mga ulat hinggil sa mga nagdaang programa, mga naging hamon, mga natamong progreso, at mga nakatakdang plano ng kooperatiba upang patuloy na mapabuti ang serbisyo para sa mga member-consumers.
Sama-sama nating alamin ang mga mahahalagang usapin at direksyon ng ating kooperatiba.