𝐏𝐎𝐖𝐄𝐑 𝐑𝐀𝐓𝐄 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘 | 𝐈𝐧𝐚𝐚𝐬𝐚𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐮𝐫𝐲𝐞𝐧𝐭𝐞 𝐬𝐚 𝐒𝐮𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐧𝐚 𝐁𝐢𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡

Wednesday March 26, 2025

View Link

Dahil sa pagtaas ng temperatura ngayong papasok na summer season, nagsisimula na ring tumaas ang demand sa kuryente, na posibleng magresulta sa pagtaas ng halaga nito.

📌 𝐓𝐀𝐍𝐃𝐀𝐀𝐍:
- Mas mataas na DEMAND, mas limitadong SUPPLY = pagtaas ng presyo
- Ang presyo ng kuryente ay parang presyo ng gasolina — minsan pataas, minsan pababa.
- Kapansin-pansin na ang pinagkukuhanang supply ng kuryente ng NEECO I ay mas mababa ang halaga noong mga nakaraang buwan, kung saan mas malamig ang panahon.

𝐏𝐫𝐞𝐬𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐮𝐫𝐲𝐞𝐧𝐭𝐞 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐍𝐚𝐠𝐝𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧:
🔹 October 2024: ₱8.33/kWh
🔹 November 2024: ₱4.96/kWh
🔹 December 2024: ₱8.73/kWh
🔹 January 2025: ₱7.48/kWh
🔹 February 2025: ₱7.02/kWh
🔹 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟐𝟎𝟐𝟓: ₱𝟔.𝟗𝟖/𝐤𝐖𝐡 (𝑏𝑖𝑙𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑜𝑛𝑡ℎ 𝑎𝑡 𝑝𝑟𝑒𝑠𝑦𝑜 𝑛𝑔𝑎𝑦𝑜𝑛)

𝐊𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧 𝐄𝐩𝐞𝐤𝐭𝐢𝐛𝐨?
- BILLING MONTH: APRIL 2025
- Ito ang kasalukuyang konsumo ng kuryente mula ngayon hanggang sa susunod na buwan.
- Ang meter reading para dito ay sa huling linggo ng April 2025, at sisingilin ito sa May 2025.

📢 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐮𝐩𝐝𝐚𝐭𝐞𝐝!
Ang NEECO I ay patuloy na magbibigay ng update patungkol sa naging forecast na posibleng pagtaas ng singil sa kuryente.

Pinapakiusapan ang lahat na magtipid sa paggamit ng kuryente upang makatipid sa bayarin para sa susunod na buwan.